Wednesday, 14 March 2012

Alcu Games 2012



Ilang araw na rin ang nakakalipas pero sariwa pa rin sa isip ko ang mga kaganapan sa kakatapos lang na Alculympics 2012 na ginanap sa Sta. Cruz, Laguna noong Marso 4-9, 2012.

Ang Association of Local Colleges and Universities ay kasalukuyang nasa-ikaapat na taon na simula ng maitatag ito noong taong 2009. Sa kasalukuyan nga ay nasa dalawamput-tatlo (22) na ang mga kalahok na lokal na kolehiyo at unibersidad ng bansa. Nilalayon ng asosasyon na ipakilala sa mga mag-aaral ang iba’t ibang uri ng sport upang mahikayat ang mga estudyante na maengganyo sa sport sa halip na masangkot sa mga hindi kanais-nais na mga bisyo.

Noong una’y nagdadalawang isip ako kung sasama ako. Hindi naman kasi ako mahilig sa sports. Ayaw na ayaw ko rin ang naaarawan dahil sumasakit ang ulo ko. Subalit sa paglipas ng mga oras, unti-unti ko nang natututunan i-enjoy ang bagong kapaligirang kinasadlakan ko. Marahil ay isa sa nakatulong napakalmahin ako ay ang malamig na simoy ng hangin. 

Isa sa mga larong napanood ko ng buong araw ay ang Taekwondo kung saan nakatagpo ako ng mga bagong kakilala at kaibigan.

Para sa ilang manunuod, kagaya ko, walang kwenta ang ginagawa ng mga atleta ng Taekwondo at ito’y pagsasayang lamang ng oras. Pero para sa kanila, mahalaga ang bawat laban. Bawat sipa ay daan sa katuparan ng kanilang pangarap. Sa Taekwondo, lakasan ng loob, palakasan ng sipa, pabilisan ng kilos, at dapat ay may diskarte sa pagtira sa kalaban. Masakit sa buto, tatamaan ang mukha ng atleta pero tuloy pa rin ang bakbakan. Sa nanggagalit na sigaw ng mga coach, dobleng pressure ang nararamdaman ng mga kalahok. 

Sa maikling oras na nakasama ko ang mga atleta ng Taekwondo, nasaksihan ko kung paanong tila pamilya na ang turingan nila sa isa’t isa. Sa tuwing matatapos ang mainit na laban, hihilutin ng kapwa atleta ang parte ng katawan na nasaktan.

At bagama’t wala akong kaalam-alam sa sa ginagawa nila, ramdam ko ang masidhing pagnanais na mag-uwi ng karangalan sa kanya-kanyang paaralan.

Samantala, sinubukan kong manuod ng Volleyball na ginanap sa RECS Oval. Ramdam ko ang suporta ng bawat mag-aaral sa kani-kaniyang mga kaibigan. Hindi rin maiiwasan ang ilan na mga nagyayabang hindi pa man nagsisimula ang laban. Sabawat palo sa bola, kitang kita ang pagkunot ng noo ng mga atleta sa tuwing hindi makakagawa ng puntos. Kahit na walang supporters, tuloy pa din ang laban. Sing-init ng arawang pagnanais na huwag umuwing luhaan. At sa huli, magkakamay at magkakamay ang coaches at players ng dalawang naglalabang koponan.


Napagtanto ko na sa larangan ng sports, ito’y walang pinipiling edad, ganda, tangkad o laki ng katawan. Ang kailangan lang ay masidhing pagmamahal sa kani-kaniyang kinahihiligang sports.


Aminin ko man o hindi, ang inaakalang kong magiging kabagot-bagot na Alcu Games ay magiging masayang karanasan pala para sa akin. Isang karanasan na sabi nga ni Prof. Arcega ay babaunin ko hanggang sa aking pagtanda. Muling sasapit ang Marso 4-9 sa susunod na taon, subalit hindi na ito magiging katulad ng dati. Hindi ko na makakasama ang mga nakasama ko sa silid-paaralan sa loob ng walong araw. Sa pagdating ng panahong iyon, iba na ang kasa-kasama ko. At malamang ay iba na rin ang ginagawa ko. 

Pero nagpapasalamat pa rin ako, dahil sa Alcu Games ay nakakilala ako ng mga bagong kaibigan tulad nina Erica, Ryan at Soc na noong una ay inakala kong pawang mga isnabero’t isnabera. Pero pinatunayan nilang mali ako. Sila pala ay mababait at natural na malalambing na mga tao. Walang halo ng pagkukunwari o di naman kaya ay pangmamata sa isang tulad ko. Nariyan din ang seryosong mga Chess Team players na sina Nilo, Joma, Romeo, Rhaymart, at iba pa na kalimita’y tahimik pero may itinatago rin palang kakulitan. 



Masaya. Masaya ako dahil nakasumpong ako ng bagong pamilya.

Habang buhay kong babaunin ang mga natutunan ko sa Alcu Games. Ipinagmamalaki kong mag-aaral ako ng University of Makati – ang itinanghal na over-all Champion sa Alcu Games 2012.

Mabuhay ang mga atletang Pilipino.

Mabuhay ang Alculympics! 


 
ALCULYMPICS 2012 OVER-ALL RANKING

Over-all Champion: University of Makati
1st Runner-Up: Taguig City University
2nd Runner-Up: Quezon City Polytechnic University

***
WINNERS IN EACH SPORTS

Alcu 2012: Ms. Alcu
Champion: Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela
1st Runner-Up: Unibersidad de Manila
2nd Runner-Up: Laguna University

Alcu 2012: Mr. Alcu
Champion: Pamantasan ng Lungsod ngMuntinlupa
1st Runner-Up: Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
2nd Runner-Up: Gordon College

Alcu 2012: ATHLETICS (Men)
Champion: University of Makati
1st Runner-Up: Taguig City University
2nd Runner-Up: Quezon City Polytechnic University

Alcu 2012: ATHLETICS (Women)
Champion: University of Makati
1st Runner-Up: Quezon City Polytechnic University
2nd Runner-Up: Gordon College

Alcu 2012: CHESS (Men)
Champion: Quezon City Polytechnic University
1st Runner-Up: University of Makati
2nd Runner-Up: Taguig City University

Alcu 2012: CHESS (Women)
Champion: Pamantasan ng Lungsod ng Marikina
1st Runner-Up: Quezon City Polytechnic University
2nd Runner-Up: Taguig City University

Alcu 2012: DANCE SPORT (Standard Category)
Champion: University ofMakati
1st Runner-Up: Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
2nd Runner-Up: Quezon City Polytechnic University

Alcu 2012: DANCE SPORT (Latin Category)
Champion: University of Makati
1st Runner-Up: Quezon City Polytechnic University
2nd Runner-Up: Taguig City University

Alcu 2012: CHEERING
Champion: University of Pasay
1st Runner-Up: Unibersidad de Manila
2nd Runner-Up: Taguig City University

Alcu 2012: TABLE TENNIS (Men and Women)
Champion: University of Makati
1st Runner-Up: Quezon City Polytechnic University
2nd Runner-Up: Unibersidad de Manila

Alcu 2012: TAEKWONDO (Men)
Champion: University of Makati
1st Runner-Up: Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa
2nd Runner-Up: Unibersidad de Manila

Alcu 2012: TAEKWONDO (Women)
Champion: Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa
1st Runner-Up: University of Makati
2nd Runner-Up: Taguig City University

Alcu 2012: SEPAK TAKRAW
Champion: University of Makati
1st Runner-Up: Urdaneta City University
2nd Runner-Up: Mabalacat College

Alcu 2012: VOLLEYBALL (Men)
Champion: Unibersidad de Manila
1st Runner-Up: Taguig City University
2nd Runner-Up: University of Makati

Alcu 2012: VOLLEYBALL (Women)
Champion: University of Makati
1st Runner-Up: Unibersidad de Manila
2nd Runner-Up: Quezon City Polytechnic University

Alcu 2012: BASKETBALL (Men)
Champion: Unibersidad de Manila
1st Runner-Up: Quezon City Polytechnic University
2nd Runner-Up: Bulacan College

Alcu 2012: BASKETBALL (Women)
Champion: Taguig City University
1st Runner-Up: Urdaneta City University
2nd Runner-Up: Quezon City Polytechnic University

Alcu 2012: ARNIS (Men and Women)
Champion: Taguig City University
1st Runner-Up: University of Makati
2nd Runner-Up: Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

3 comments:

  1. bakit hindi nailagay ang result ng arnis men and women?
    OVER-ALL CHAMPION MEN'S DIVISION
    -TAGUIG CITY UNIVERSITY

    OVER-ALL CHAMPION WOMEN'S DIVISION
    -TAGUIG CITY UNIVERSITY

    ReplyDelete
  2. Congrats UMAK =)
    Please subscribe! http://mytraveldiary08.blogspot.com/ Thanks!

    ReplyDelete
  3. Hi Aivan, just read this now. Good, interesting article. But let me just make some corrections and clarifications on Association of Local Colleges and Universities or ALCU. ALCU is the umbrella organization of the ALCU Athletic Association or ALCU-AA who are the organizers behind the ALCU Games (formerly ALCUlympics) 2012.

    ALCU was actually formed way back 1996, not 2009, by Metro Manila mayors as a commitment to cohesively sustain locally-funded institutions of higher learning in their respective local localities. ALCU-AA was formed probably in 2008 (please double-check with VP Arcega, who is also the Executive Director of ALCU-AA, or Director Lera, who is the Deputy Director of ALCU-AA)to foster the growth of amateur athletes among the youth of ALCU member schools, and to organize, develop, operate and administer inter-collegiate athletic programs.

    The first ALCUlympics, a sports league and multi-sports event involving participants from ALCU members was first held in 2009 at Pamantasan ng Lungsod ng Marikina. Since 2009, ALCUlympics has been held every year in different school venues, including our very own UMak in 2010, City College of Calapan last year and Laguna University this year. This year the ALCUlympics was renamed ALCU Games, more fitting to this national sporting event. Hope this helps.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...